Kapag may tiyaga,
May nilaga,
May makakain,
May magpapakabusog,
May magkakasala (Gluttony)
Daig ng maagap ang masipag,
Daig ng masipag ang tamad,
At daig ng tamad ang mga congressmen
Kapag maliit ang kumot,
Wag kang mamaluktot,
Bumili ka ng bagong kumot
Pagka-mahaba na ang prusisyon,
Boring
Ang lumakad ng matulin,
Pag natinik sugat
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
Ay may stiff neck
Buntong hiningang malalim
Malayo ang mararating
Pero pag tumalon ka sa malalim
Sa langit ka makakarating
Kapag buhay ang inutang
Buhay rin ang kabayaran
Pero pag kaibigan mo ang umutang,
Wag ka ng umasang ikaw ay babayaran
Pagsasabi ng tapat,
Pagsasama ng maluwag
Pero kapag lumuwag na ng lumuwag,
Gabi gabi na yang ginaganap
Ang gawa sa pagkabata,
Dala hanggang sa pagtanda
At ang ibang matanda,
Kung umasal para pa ding bata
Ang ating kakanin dapat ay
sa sariling pawis manggaling
Kaya ang lasa ng kinakain,
Lahat maalat at maasim
Kung ano ang itinanim
Ay siya ring aanihin
Kaya pag hindi mo kamukha ang anak mo,
Magduda ka na sa asawa mo

No comments:
Post a Comment